Isang pagpupugay sa munting gabay ng aking kabataang di mapalagay
Kung gusto mong sumaya
Kung gusto mong sumigla
Igalaw mo, igalaw mo
Igalaw ang 'yong ulo.
Huebes ala-una ng tanghali, kakagising lang ni Sultan Parachibum. Agad niyang hinanap ang kanyang mga alagang si Ningning at si Gingging. Sumigaw siya sa gawing kanan, "Ning!" Sa gawing kaliwa, "Ging!" At sabay humatsing, "hatsing!"
Hindi niya matagpuan ang kanyang hinahanap, sa kakalakad sa maliit na eskinita sa gilid ng Podium ay nagulat siya, “Bwahahahaha!” sabi ng isang anino ng matsing, hawak ang saging at maikling baging, bigla itong naglaho. Nilapitan niya ang pinanggalingan ng boses ng matsing at sa di inaasahang sitwasyon ng kanyang pusong mamon, nakita niyang nakahandusay ang matandang babae, duguan, kikip ang isang bolang kristal at may suot na ID na hugis ATM na may nakasulat na “Manang Bola at Your Service” Diyata’t isa itong stewardess ng Tiger Airways?
Kung gusto mong sumaya
Kung gusto mong sumigla
Igalaw mo, igalaw mo
Igalaw ang mga paa.
Agad itinext ng sultan ang kaibigan niya sa media, si Noli De Kasyo, “Pre where na you? Dito n me” ipinaling niya ang kanyang 3G na 5110 (3G as in 3 Gives), sa gawing hilaga upang makahanap ng signal, at ng may signal na siya ay biglang tumunog ang mapagbirong “toot” sa palsetong tono ay nabatid ni Sultan na wala na siyang load.
Nag abang siya ng kung sino mang dadaan para makahingi ng tulong. Ilang saglit pa ay palukso luksong dumaan si Kapitan Basa, hawak ang aklat ni Sydney Sheldon, tinangka niya itong istorbohin “Manong, Manong! Pahingi ng tulong! Kung ayaw mong matanong, hahampasin kita ng talong!” sa takot ni Kapitan Basa ay sumagot nlang siya ng “Ok, wag lang science ha?”
Kung gusto mong sumaya
Kung gusto mong sumigla
Igalaw mo, igalaw mo
Igalaw ang mga kamay.
“Nakita ko kasi itong bangkay ng matandang babae na ito, tingin ko wala na siyang buhay, kung meron man eh sumakabila na, gusto ko siyang tulungan, dalhin sa kung saan, kaya lang wala akong kakayahan, ngayon eto ang tanong ko – bakit nakalimutan ni Christian Bautista ang Lupang Hinirang?”
“Eh nagpapatawa ka ba?” ika ni Kapitan Basa, “hindi nakalimutan ni Christian yun, nalobat lang yung gamit niyang Magic Sing kya nag iba ang lyrics niya.”
“Ano yang kaguluhan na iyan?” sigaw ni Irma Daldal, ang call center agent na nakatira malapit sa Brickley.
“Hindi kami magulo!” duet ni Kapitan at Sultan, “ang gobyerno ang magulo hindi kami”
“Eeeeeeeeeeeeeeeeee!” (parang sa komiks, nagulat!) “bakit may patay jan? sabi ni Irma!
“Nakita lang namin ito dito” duet uli ng dalawa, sa pagkakataong ito ay tenor si Sultan at bass naman si Kapitan.
Sino ang may kasalanan?
Kung gusto mong sumaya
Kung gusto mong sumigla
Igalaw mo, igalaw mo
Igalaw buong katawan mo.
“Alam namin kung sino” sagot ng dalawang alien na si Sitsiritsit at Alibangbang, “kanina kasi habang nagwiwindow shopping kami sa St. Francis Square ay nakita namin ang matandang iyan na tila nakikipagtalo sa isang matsing.”
Samakatuwid, ang ating prime suspek ay isang matsing.
Timing namang padating si Pong Pagong kasama ang isang maliksing matsing na matanong.
“Alin, alin? Alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba?” Masaya nilang awit. Walang kaalam alam sa gulong madadaanan.
“Huli ka!” sabay sabay na turo ng lahat kay Kiko, (hindi Santos, kundi Matsing)
“Ako?” sabi ni Kiko, “Ikaw nga sabi ng kaibigan niyang pagong”
“Teka, anong ginawa ko?” paliwanag ng Matsing.
“Ikaw daw ang may kagagawan nito” Sabay turo ni Irma Daldal kay Manang Bola na nakahandusay pa rin ng mga oras na iyon.
“Hindi ako!” sabi ni Kiko.
“Ungh!” sosyal na ungol ng matandang stewardess.
Nagulat ang lahat!
*Ako din nagulat kasi biglang dating ng amo ko at nagtanong kung ano na raw ba ang natapos ko, salamat sa gakidlat na bilis ng Alt-Tab at nailipat ko ng tamang oras ang screen sa Photoshop.
“Si Manang Bola buhay!!!!” sigaw ng ibong si Koko Ki-Kwak.
“Hindi maari” sambit ng sultan.
“Paano nangyari yun?” sabi ni Kiko.
“Himposibol” bulalas naman ni Pong
“Ohmigosh!” sabi ng sosyalerang si Irma
“No-Deal” sigaw naman ni Kapitan Basa.
“Alinsunod sa nakalap na ebidensiya ng mga guwardiya, ikaw Manang Bola ay hinahatulan ng hukumang ito ng mga kangaroo ng dalawa’t kalahating ulit na habang buhay sa salang pandaramba!”
“Inuutusan ka ng hukumang ito na isauli ang nakulimbat mong isang garapon ng mentos at magbayad ng danyos perwisyo na nagkakahalaga ng 150 pesos gift certificate sa Isetan Recto”
“Dahil kaming lahat ay pinaniwala mong dedo ka na, pagkakaitan ka ng karapatang mag chat at mag attach ng file sa iyong email”
“Binabawi na rin namin ang 20% discount privileges mo at wala ka ng aasahan sa retirement benefits mo (as if meron naman tlga diba?)”
“Anong masasabi mo Manang Bola”?
“I’M SORRY!”