Thursday, April 12, 2007

A mutant’s ordeal of a weird lover of laughter and tears

[Pinakamagulong blog na naisulat ko...mutant mode kasi ako dito december pala nung last ako ng blog..grabe tagal na...]

Intro
Paputol-putol ang ftp connection ko habang ang puno ng saging sa tabi ko ay mayabang na nagsasabing ikaw kasi…pasaway ka!

Ang hirap simulan ng kwentong sasabihin ko ngayon kya sinimulan ko ng walang kwenta…pero kung malalaman nyo lang kung ano tlga gusto kong ikwento ay malamang mamangha kayo at tumugon kayo ng napakamadamdaming “OK!”

Chapter 1 Nagsimula ang Lahat sa Hangin
Sige proceed na tayo, halos tatlong taon na ng una kong narinig ang busina ng jeep sa Remedios at nalanghap ang usok ng nagmamadaling jeep ulit papunta sa Monumento, ngayon malapit nko lumayas ng Pilipinas andun pa rin ang usok na kumakapit sa uniporme ng tiwaling traffic enforcer na wala ng ginawa kundi ang mag piko sa kalye gamit ang makapal na mukha bilang pamato.

Simula noon naging madalas na kung gabi ako umuwi meron kasing training sa isang basement sa San Marcelino, mangilan-ngilang kaluluwa ang dumadalaw dun para makulong ng ilang saglit sa piling ng malaking daga na sobrang mahiyain. Dun ko nakilala ang mga kaibigan ko na inabot na ng bagyo at tidal wave ay kaibigan ko pa rin. Salamat sa inyo ha? At lumipas man ang sandamakmak na rally sa Pilipinas, magkikita pa rin tayo kasi hindi naman tayo bulag. (corny ng joke ko bad trip)

Chapter 2 Para mama!!... bago mag Estrella!
Ansaya nung mga panahon na hindi pa kumplikado ang buhay papunta sa petplans, hindi pa nakakalito pumara ng bus sa pagitan ng tulay at overpass, at hindi pa kelangang sumakay ng elevator na papuntang 11th floor(na nag iisang buhay na palapag sa building na yun nung panahon n iyon).

Chapter 3 Bulong ng Palad
Bago pa dumating ang mga kwento, madami ng kwentuhan, bago dumating ang mga nagpipilit makinig ng mga piniling tinig ay marami na kong nadinig. Antagal na panahon na din palang lumipas madaming tao na rin ang dumaan sa trangkahan ng atensiyon ko. Sabi ng isang kaibigan kong matalik, masyado daw ako mapili sa mga kinakaibigan ko. Aba! At mapili pa pala ako ng lagay na ito? Teka meron bang taong hindi namili ng kaibigan niya? Maliban nlang kung politiko ka malamang gawin mo ito, pero sa katulad nating namamasahe lang ng 9 pesos sa bus na byaheng cubao to boni avenue ay dapat mamili tayo ng kaibigan natin diba?

Chapter 4 Share a Load, Win a Friend
Ewan ko sa iyo at diyan sa katabi mong nagbabasa din nitong blog ko pero ako talaga mas gusto kong mamili ng taong pagkakatiwalaan, yung tipong hindi ka tlga iiwan sa balag ng alanganin. Yung kahit panis na pop corn at boring na soda ay sasamahan ka kasi ang mahalaga yung magkasama kayo at kaya nyong magalit sa isa’t isa ng harapan tapos kakain na kayo ulit ng popcorn at soda, hindi yung plastic na chocolate walnut brownies at choco frap na nagpapanggap na whip cream kapiling ng ngiting pumupunit sa circumference ng mukha ng kausap mo mula kanang tenga hanggang kaliwang tenga.

Chapter 5 Sigaw!
“Huwag ka diyan” sigaw ng katipunerong may hawak na iPod, ng tanungin ng barberong may dalang cd ng cueshe, “bakit?” ang sagot ng katipunero, “sapagkat sinabi ko at ako ay katipunero” - ang labo diba? Minsan ganun sa mundong ibabaw eh, kahit sa mundong gilid at mundong ilalim, nangyayari yun kahit pa munggo lang ang ulam nyo mangyayari pa rin yun. May taong mag-sasabi sayo ng isang bagay na ang basehan lang niya ay kasi siya yun.

Chapter 6 Basang Sisiw sa Gilid ng Tuyong Kalan
Nakakatuwa din minsan na manood ng trailer ng isang suspense thriller na pelikula sa mukha ng kausap mo. Suspense kasi di mo alam kung ano kasunod na sasabihin, thriller kasi nakaka-shock kapag nalaman mo ang susunod na sasabihin, hindi mo alam san nanggaling.

Chapter 7 Wear Your Smile Always - Zionne
Naku katext ko ang kaibigan ko habang ginagawa ko ang blog na ito, at ang payo niya mag-hunos dili daw ako, sabi ko nagsusulat lang naman ako, wala naman akong inaaway. Ska isa pa napagod ako sa trabaho kaya kelangan ko magsulat, ang pagsusulat ay isang bitamina ng utak ko na nakakakapagrelax. Nawawala ang pressure ng trabaho pag nagsusulat ako, nalilimutan ko ang lahat ng problema ko at tumatahimik ako habang nagsusulat.

Conclusion
Sige sa hindi malamang dahilan, tatapusin ko na itong blog ko, anlabo ng title ng blog ko noh?, kahit anong hanap mo dito sa sinulat ko di mo matatagpuan ang ibig kong sabihin unless na weird ka din katulad ko, ay hindi pala ako weird, mutant pala ako.

1 comment:

zhang said...

hehe...
galing mo talaga writer..idol!